Wednesday, September 24, 2008

PAYO LAMANG

Note: This was written year 1994.

Ang tao nga naman
Pag nasa kasikatan
Nalimutan na ang pinangalingan
Pati kaibigan, kahit sino inaapakan

Ito'y payo lamang
Bumaba ka sa kinalalagyan
Lahat ng bagay ay may hanganan
Ang pagsisi ay nasa hulihan

Kaibigan ito'y tandaan
Pagkakataon ay alagaan
Minsan lang ito dadaan
Huwag maging /masyadong mayabang

Maganda ang buhay
huwag bayaang mawalay
Dahil lamang sa tinatamasang tagumpay

Kaibigan ito'y tandaan
Kahit magandang bagay
Pag somusobra
Ay magiging masama

Materyal at salapi
Ay madaling hanapin
Nguni't ang karangalan
Ay hindi kayang bilhin

Kaibigan ito'y payo lamang.

No comments: