Saturday, January 5, 2008

'YAN ANG PILIPINO

Note: I wrote this as I was inspired while traveling from different countries. Given a chance that we are indeed good and full of talents, that poverty is not a hindrance.

Sa aking paglalakbay.
Sa Iba't ibang sulok ng mundo
Iba't ibang tao ang nakikilala ko
Nakikita ko ang kaibahan nating Pilipino

Kahit anong trabaho ay sinasabak
Kahit anong hirap ay hinaharap
Pag nagka-ipon ipon
Ugaling Pilipino ay iyong mahahanap

Tawanan, Kuwentuhan
Malimutan na ang problema
Kahit anong tribu, basta Pilipino
Tsismisan, kumustahan
Kahit hindi magkakilala
Kahit saang bansa
'Yan ang Pilipino, 'Yan ang Pilipino

Pagdating sa musika
Tayo ang nagunguna
Amerika,Europa ,Gitnang Silangan, Asya at iba pa
(Ang) Pilipino ay iyong makikita

Tayo ay mayroong angking talino
Kahit anong laro hindi sumusuko
Kahit saang dako hindi patatalo
'Yan ang Pilipino, 'Yan ang Pilipino


Kahit gaano kabigat ang dinadala
Makuha pa ring tumawa at makisaya
Basta't magkasama, kahit hindi magkakilala
Basta't magkasama, kahit hindi magkapamilya
'Yan ang Pilipino, hindi maipagkaila

Pag may nangangailangan
Kahit nasa malayo tayo'y maaasahan
'Yan ang bayanihan
"Yan ang Pilipino, kahit saan